Linggo, Pebrero 23, 2014

A Sweet Lonely Heart's Day!


           Valentine's Day, oo nga't ito'y espesyal para sa mga mag-asawa, magkasintahan at magkakaibigan na rin. Bagama't Valentine's Day pero tinulungan ko ang aking Auntie sa raket niyang pagbenta ng mga cookies, mallows, ferrero bouquet, kisses bouquet at mga balloons sa nirentahan niyang puwesto sa loob ng campus ng CEU. Yes, it is Valentines Day pero mas pinili kong sumama sa Tita ko imbis na mag-date kami ng boyfriend ko. :)
           Dumaan ang oras at wala pa kaming nabebenta, aba'y sabi ko nalang, kuripot yata ang mga taong ito. Nang malaman ko na ang mga presyo ng bawat isang product hinahayaan na ako ng tiyahin kong magbenta. Lalabas siya at may kinakausap na mga tao, at sabi niya sa akin "Bakit sa tuwing lalabas ako nakakabenta ka? Labas nalang kaya ako? Hehe!" Hanggang sa dumating na ang deadline na kailangan na naming mag-pack up dahil uwian na pero nakabenta pa din kami. Pagkatapos noon ay sinundo kami ng aking pinsan para tumulong sa pagbitbit ng mga gamit na ipinasok namin sa campus.
       Sa pag-uwi namin ay kumain kami ng hapunan at nagpahinga sandali. Habang nagpapahinga, kinuha ko ang cellphone ng Mama ko at may nabasa ako, ano nga ba yun? Nabasa ko na tinetext niya yung number ni Dad, which is nakakatuwa, sabi niya sa text "Happy Heart's Day! I miss you so much! I can't do anything but to accept the fact that you're gone. I'm alone and lonely right now. Only your memories are left. I love you!" Pagkatapos kong mabasa ito, kinausap ko yung dalawa kong kapatid na magbigay kami sa Mama namin ng ikasasaya niya. Nag-ambagan kami at bumili kami ng ferrero bouquet. Nang makita niya itong nakalapag sa kama niya tinignan niya ang tag at ang nakalagay ay "Happy Heart's Day Mama, from Papa @ Heaven :)" Ayun nakita naming ngumiti siya. At pagkaligo daw niya kunan daw namin siya ng picture. :)